Murray Bookchin 1921-2006
MURRAY Bookchin, Libertaryang Anarkista at kilalang Ekolohista, pumanaw sa edad na 85.
Ang manunulat at aktibisitang si Murray Bookchin, tanyag bilang ama ng Social Ecology- panibagong pilosopiya sa larangan ng Libertaryang Sosyalismo, ay pumanaw Linggo ng Umaga, July 30th sa kanyang tahanan sa Burlington, Vermont. Si Bookchin, ang may akda ng dalawang dozena na libro ukol sa Politika, Pilosopiya, Kasaysayan at Ekolohiya ay importanteng bahagi ng pandaigdigang kilusan laban sa Kapitalismo at Awtoritaryanismo.
Ayon sa maikling biography niya sa Wikipedia.org, isa si Bookchin sa nagpapularisa ng kahalagahan ng Ekolohiya bilang napapanahong konsepto sa radikal na pulitika matapos nyang mailathala noong dekada 60’s ang "Ecology and Revolutionary Thought". Naging mahalagang impluwensya din sya sa pagpapaunlad ng Anarkistang Praktika mula sa kanyang mga teoretikal na akda hinggil sa Libertarian Municipalism na sya namang pinaniniwalaang may malaking ambag sa pagdebelop ng Green Movement at Anti-Capitalist Direct Action Groups.
Pumanaw si Murray Bookchin matapos ma-diagnosed ng ilang beses nitong mga nakaraang buwan sa sakit na Fatal Heart Failure.

Hi, this is a comment.
To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.
Comment by A.N. Other — August 1, 2006 @ 11:07 am