Ang Panawagang Makilahok
ANG AKLAS ay isang pahayagang anarkista (dyaryo) na naglalayong maglathala ng mga napapanahong isyu na nakakaapekto sa Ekolohiya, Katutubo, Lokal at Pandaigdigang Komunidad ng tao sa ilalim ng Kapitalistang panggigipit. Ito ay naglalaman din ng Anarkistang analisis, opinyon at tindig sa pang-araw araw na kaganapan sa Pilipinas at buong mundo. Ang mga nabanggit na sumusunod ay kabuuhan ng pangkalahatang layunin ng AKLAS sa pagpapapularisa ng Politika, Praktika at Pilosopiya ng Anarkismo sa bansa.
Maglalabas ng kauna-unahang imprenta ang pahayagan matapos itong makalikom ng sapat na mga naikontribyut na artikulo mula sa inyo. Sa wikang Tagalog o anumang wika sa Pilipino po lamang ilalathala ang dyaryo. Kaya huwag nang mag-atubiling makibahagi at makilahok sa pagsusulat ng ating kasaysayan.
Makipag-ugnayan sa aklaskilusan[at]yahoo.com at mag-iwan ng mensahe ng paglahok kung nais nyong maging bahagi sa kauna-unahang Editoryal kolektib. Paalala: Hindi po pahayagan ng partikular na organisasyon ang AKLAS, bagkus isa itong uri ng proyekto na nakadepende lamang mula sa inyong boluntarismo.
